grabe naman...
ganito na kaya talaga to?
hanggang kailan kaya ako maghihintay????
hhmmmm???
alam mo kaya?
malamang????
nasabi ko ba?
pwede kaya?
so ikaw na naman naiisip ko?
so lantaran na to!!!
i-blog na yan!
ibulgar na!!!
di mo man lang ba ko titingnan?
di ka man lang magrereact sa mga sinasabi ko?
di mo ba nafi-feel?
ano dapat kong gawin?
pinagpray ko ba?
syempre...
pinag-isipan???
natural po....
bakit kaya kita iniisip?
bakit kaya kita gusto?
bakit kaya comfort pag nakikita ka?
bakit kaya masaya pag nanjan ka?
pero syempre feeling ko lang...
pero syempre wish ko lang...
pero syempre pangarap ang isang kagaya mo...
pero syempre katotohanan ba ang katulad mo?
pero ayos naman ako...
mahal kita kahit ano mangyari...
liligawan ka buong buhay ko...
mahalin ka ng tunay...
mahirap ba??? pagtulungan natin!
walang solusyon? ipikit natin at iluhod sa diyos
maaksidente ka???? dito pa rin ako..di aalis sa tabi mo..
maghirap tayo??? mamahalin kita at malalaman mong di yun totoo..
magkasakit ka??? aalagaan kita at babantayan..
makalbo ka dahil sa sakit??? magpapakalbo rin ako...
mabulag ka??? di ko bibitawan kamay mo at ako ang magiging mata mo..
malumpo ka?? yayapusin pa rin kita at isasayaw..
o...
ahhh.....
o ako lang talaga nagmamahal???
sa bagay.. pansinin mo o hindi mahal na talaga kita...
ano pa nga ba? ..
kaya masakit eh..
kaya lapat sa puso na di mo pansinin...
mahal kita.
pero salamat...
ngayon na ganito ang lahat...
nadadama ko ang puso ng Panginoon…
Kung ano nararamdaman nya kapag ako ang di pumapansin…
mahal nya ako ng sobra hanggang mamatay sya...
nabuhay na nga syat lahat ulit at nagmamahal pa rin...
alam ko na mahal nya ako ...
alam ko na ginawa nyang bumaba sa lebel ng tao para sagipin ako..
ang gusto lang naman nya mahalin ako at mahalin din sya...
pero minsan di ko pinapansin..
minsan wala akong pakialam..
minsan wala lang sa akin...
salamat sa iyo.. sa sakit na to...
mas mahal ko ang panginoon dahil sa iyo.,,
so totoo nga... karapat dapat kang mahalin...
dahil sa iyo, napapalapit ako sa kanya.,,
mahal kita.
...
gwus nikomen